Unang araw sa Pilipinas pagkatapos ng isang taon at dalawang buwan,, hmnn.. mainit. malagkit. hahaha.
Unang gala, Destination: Sta Lucia East Mall.
Ang busina ng jeep, ang usok sa sigarilyo ng kundoktor, ang siksikan sa loob ng saksakyan, ang dami ng tao sa paligid, ang mga nagtsitsismisan sa daan,, hehehe,, wala pang isang araw: nakalimutan ko na ang araw-araw na pagtataxi papuntang opisina, ang 'bas hini akoy', ang 'shu hada't kefel hal', ang pagdidinner sa mga five star hotel at ang buong' kaayusan ng UAE. Ilang oras lang sa pinas, bumalik na naman agad ako sa pagiging Jologs. hahaha!
Ang Pilipinas nga naman, wala pa ring pagbabago. Isang order lang ng Jolly Spaghetti at Yum, nakalimutan ko na ang lasa ng Hardees' Mushroom and Swiss . Papasok pa lang ng Sta lucia, wala ng ala-alang natira para sa al ain mall. Walang sinabi ang action zone sa world's of fun. Ang dirhams sa peso, sus ginoo! kung gaano ako kagastador sa uae, ganon naman ako kakuripot sa pinas. samantalang kung ikokonvert ko, di hamak namang mas mahal mamuhay sa al ain!
hehehe..
pag umuwi ako, pwede mo ba akong intayin?
katangahan ko, nabola na ako ng tuluyan..
babalik na akong pinas. isang buwang mawawala. nag-aalala ako para sa kanya. lagi na lang syang malungkot. ni wala akong ideya kung pano sya papasayahin..
nagsawa na rin yata, ayaw naman nyang magsalita.
pano ko naman malalaman.. manghuhula na lamang ba?
win a handbag contest
only
help me.
I will make him love me, and if i don't succeed and fail,, then i will at least, let him regret that he did not..

but seriously, im joking
pambihira.
at hindi na nga sya namansin at hindi na nagparamdam ulit.
anyway,
the reason i will write an entry today is because of one person who once existed in one of my tabulas entries.
hindi naman sya mahalaga, pero syempre, gusto ko pa ring i-update ang mga kaganapan sa tabulas ko.
im talking about penoy. yung nagbigay sakin ng flowers at nagplanong manligaw.
hahaha.
sila na nung ka-opis ko! mag-iisang buwan na sila! akalain mo yan!
as expected. hindi ako apektado.
i hate it when im bitter..
2nd Iftar namin.
mas pinili kong hindi sya batiin. in fact, ni hindi man lang ako nag-greet ng good evening kahit sa mga kaibigan nya. kasupladahan. yup. and i regret it of course kahit papano.. tama lang na hindi ko sya pinansin, pero para mandamay ng iba,, mali.
hindi ako confident ngayong gabi.. i feel so much insecure.
ginawa ko na ang lahat at walang epekto.
suko na ako.
some things are meant to be broken..
wala ng patutunguhan to. wala naman talaga kahit nung simula pa lang..
totoong wala syang pakialam, at dahil don.. pinagod ko lang ang sarili ko.
simula ngayong araw na to,, galit galit na.
sinde-sinderellahan
ika-walongpung pitong beses ko na yatang dinaanan ng tingin ang pocket mirror ko at salamin na nakasabit sa dingding namin.. binabantayan ang pagtuyo ng buhok, baka biguin ako ng himala, ibalik sa dati ang buhaghag kong buhok..
shinampoo ka na rin sya pagkatapos ng tatlong araw na walang basaan simula ng magparebond ako.
based sa aking past experiences at kapal ng buhok, isang liguan lang ang epekto ng mga hair chemical treatment sa buhok ko. and i dont think hair rebonding will be a different case.
but I took my chances anyway, i faced the risk..
i spent 500 dirhams para sa isang gabing kakikayan.
occasion? COMPANY ALL STAFF IFTAR PARTY
I need to be beautiful. I need to caught his attention. I want to drive him crazy, kahit sa isang gabi man lang, pagsisihan nyang hindi naging kami..
nakuha ko ang attention ng lahat. everyone gave their compliment.. '
almost all of them notice and appreciate me, everybody but him..
wala man lang syang comment..
ni hindi man lang yata lumingon ang kumag..
dito na lang ba matatapos ang curfew ni cinderella?
bakit hindi man lang napansin ng prince charming..
i admit
I really Lost towards him, and he wins.
akala ko, pagnag-iba ako ng image sa sandaling panahon mageget-over ko na sya.
akala ko mapapatunayan ko na sa sarili ko na hindi sya kawalan.
akala ko titigil ang mundo nya for one day once he realized kung anong pinalagpas nya..
tangangot ko talaga, feeling. ilusyunada at ambisyosa. 
kung titigil ba ako sa kahibangan ko, babalik na ulit sa pag-ikot ang mundo ko?
suko na ako. pwede bang tama na? gusto ko ng bumalik sa normal ang tibok ng puso ko..
ayoko ng umasa at masaktan ng paulit-ulit!
leche.
ISINUSUMPA KO, pag nalampasan ko tong pakiramdam na to, ililibre ko ang sarili ko ng hardees mushroom & swiss sa al ain mall and mac donald's float pag umuwi ako ng pinas!
may hangganan din ang lahat
he deleted me... or should I say he deleted his account. it doesn't matter now.
malay ko kung anong dahilan, anyway, wala na akong pakialam.
the good thing about this is, hindi na ako apektado. basted ako sa kanya oo hindi na mabubura yun, pero hindi na ako affected. nakamoved-on na ako. yahoo! kontrolado ko na ulit ang ikot ng mundo ko. after 6 years of dreaming, khalas na. wakas na. tapos na. i am free.. nakalaya ako sa sariling sikap na hindi na nangailangan ng panakip-butas. ngayon, masasabi ko nang paksyet sya. hahaha joke lang. =D
anyways, mabruk!
sa kanya nagsimula ang tabulas page ko, im proud to say, hindi sa kanya natapos. hahaha
paalam deira dubai! wala ng dahilan para pangarapin kita. =)
'can i have this dance?
sabi nung araba sakin kanina me maganda daw syang balita.
puzzled ako. ano naman kayang meron sya para sabihin nyang meron syang magandang ibabalita sa akin..
sumang-ayon na rin ang amo na ibalik si saging.
bilang call center agent nga lang..
mukha namang payag pa rin si saging..
haha.
really I love her.
kaya lang, ang duty nya itanong nyo? alas-dose ng madaling araw, hanggang alas-otso ng umaga..
..
buti sana kung may kasama sya.. kaya lang wala eh.
..
but it's good that he will stay. akala ko talagang isinumpa na ako eh..
and, it's good that i will see him again.. sa paglipat namin sa kabilang opis, kung papasok ako bago mag-alas-otso,, magkikita't-magkikita pa kami.
hindi ko na sya kailangang maka-usap. malaman ko lang na maayos sya at malayo sa ahas nyang kaibigan, ok na. =)
sana, maging maayos ang lahat.
i quit so i will not hurt him
there are lot of good new songs on the internet. napag-iiwanan na ako ng panahon, hindi na ako updated. 'cause it has been more than 1 year since i am here sa uae.. wala akong radyo dito, kung bibili man ako, puro arabic songs rin ang masasagap ko,, so what can i do yani?
i need to listen to them all..
I need to search and surf and download habang hindi pa ako dinadapuan ng antok.
at bakit sa dinami-dami ng kantang nakalista sa playlist, iisa lang ang gusto kong marinig?
ang boses nya..
ang pambobola nya,
ang pa-awa-effect nya.. hahaha! i'm starting to feel 'emo' again..
no effect ang effort na kalimutan sya.
kaya ang tanging magagawa ko lang ngayon ay itodo ang volume sa pinakamalakas nitong tunog para bingihin ang pilit kong pinapamanhid na mundo.
